Ang mga sumusunod ay ipapatupad sa ating pampublikong pamilihan (Public Market) simula bukas April 8,2021


Sa bisa ng Executive Order No. 6 S.2021 na pinirmahan ni Mayor Nora Modomo ngayong araw, ang mga sumusunod ay ipapatupad sa ating pampublikong pamilihan (Public Market) simula bukas April 8,2021.
*Ang ating palengke ay isasara tuwing araw ng linggo upang magbigay daan sa disinfection para sa kaligtasan ng lahat.
*Ang palengke ay magiging bukas mula Lunes hanggang Sabado 4:00am to 7:00pm.
*Mahigpit na ipapatupad ang One entry and One exit policy.
*Ang wastong pagsusuot ng face mask ay kailangan upang makapasok at habang nasa loob ng palengke.
*Hindi papayagang makapasok ang mga menor de edad sa palengke.
*Mahigpit ding ipapatupad ang social distancing sa loob ng ating palengke.
Kami po ay lubos na umaasa sa inyong kooperasyon at pakikiisa sa ating mga hakbang upang maiwasan ang paglaganap ng COVID-19 sa ating bayan.

Copyright © 2020. Municipality of Sta Ignacia Province of Tarlac. All rights reserved

Official Website of Municipality of Santa Ignacia Province of Tarlac