
BUWAN NG WIKANG PAMPANSA AGOSTO 2022
Noong 1935, panahon ni Pangulong Manuel L. Quezon, nagsimula ang mithiing bumuo ng isang pambansang wika na siyang magbubuklod sa buong bansa. Dahil dito, iniatas sa Kongreso ang “magpaunlad at magpatibay ng pangkalahatang Pambansang Wika na batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika” sa bisa ng Saligang Batas ng 1935.
Sa pamamagitan ng Batas Komonwelt Bilang 570, naiproklama ang wikang pambansang Pilipino na nagkabisa noong 1946. Upang maisaalang-alang ang iba pang mga katutubong wika, nagkaroon ulit ng development ng wika simula noong 1973, at ito ay makikilala bilang wikang Filipino. At sa bisa ng Saligang Batas ng 1987, opisyal na idineklara ang Filipino at Ingles bilang mga wikang pambansa.
Ang Bayan Santa Ignacia ay nakikiisa sa selebrasyon ng Buwan ng Wika upang alalahanin ang kasaysayan, kilalanin, panatilihin at paunlarin ang wikang Filipino. Ang Buwan ng Wika ang pagdiriwang sa wikang Filipino na ginugunita taon-taon tuwing Agosto. Layon nitong pagtibayin, at maipalaganap ang kamalayan sa pagdiriwang at kahalagahan ng Wikang Filipino. Ginagawa ito bilang pagsaludo at pagmamahal sa Pilipinas.
Photo CTTO: kwf.gov.ph