PABATID SA PUBLIKO

Dahil po sa biglang pagtaas ng kaso COVID-19 sa ating bayan, ang Lokal na Pamahalaan ng Santa Ignacia ay nagpasyang magpatupad ng karagdagang hakbang upang maiwasan ang paglala ng ating sitwasyon.
Simula po bukas (April 6, 2021), tayo ay magpapatupad ng ONE ENTRY AND ONE EXIT POLICY sa ating Pampublikong Pamilihan (Public Market) upang masiguro na lahat ng papasok ay sumusunod sa minimum health protocol gaya ng pagsusuot ng face mask at social distancing habang tayo ay nasa loob ng pamilihan.
Paiigtingin rin po natin ang pagpapatupad ng Liquor Ban na nakasaad sa Provincial Ordinance 02-2021.
Kami din po ay muling nagpapaalala sa ang lahat, lalo na sa mga magulang, na lahat po ng 18 edad pababa ay bawal lumabas ng bahay sa lahat ng oras.
Gayundin sa lahat ng Business Establishments, Resorts, Simbahan at lahat ng lugar ng pagtitipon ay pwede lamang mag-accommodate ng 50% ng capacity ng lugar/pwesto.
Kami po ay lubos na umaasa sa inyong patuloy na pakikipagtulungan sa Lokal na Pamahalaan upang sama-sama nating malabanan ang COVID-19. Disiplina ang kailangan upang maprotektahan po natin ang ating mga sarili, ang ating pamilya at ang ating pamayanan.
Ang buhay ay iisa, pahalagahan po natin ito.

Copyright © 2020. Municipality of Sta Ignacia Province of Tarlac. All rights reserved

Official Website of Municipality of Santa Ignacia Province of Tarlac