Pagconvert sa ating Drug Education Center and Evacuation Center bilang Local Isolation Facility

Bilang agarang aksyon upang mapigilan ang pagdami ng COVID-19 cases, ang lokal na pamahalaan ng Bayan ng Santa Ignacia, sa pamumuno ni Mayor Nora Modomo, sa tulong ni Vice Mayor Nathaniel Bong Leal Tan, 11th Sangguniang Bayan members at ni Municipal Health Officer, Dr. Gene Jerard Bacnis, ay nagpasyang i-convert at gamitin munang Local Isolation Facility ang ating Drug Education Center and Evacuation Center. Ito ay may 45-50 bed capacity.

Dito dadalhin ang mga pasyenteng positibo sa Antigen Test at RT-PCR Test na may mild symptoms. Ilalagay sa magkahiwalay na facility ang mga pasyenteng asymptomatic at symptomatic.
Stay home, Stay Safe!

Copyright © 2020. Municipality of Sta Ignacia Province of Tarlac. All rights reserved

Official Website of Municipality of Santa Ignacia Province of Tarlac