Pagpapasinaya ng mga Proyektong naipagkaloob sa atin

Kahapon, September 7, 2021, muli pong binista ni Gov. Susan Yap , Vice Governor Atty Carlito Santos David, Board Member Romeo Evangelista Jr. at Board Member Joy Lamorena ang ating bayan para sa pagpapasinaya ng mga proyektong naipagkaloob sa atin. Sinamahan sila ni Mayor Nora Modomo, Vice Mayor Nathaniel Tan, Sangguniang Bayan Members at ibang Barangay Officials.

Isa sa mga proyektong ito ay ang Mango Trading Station Facility sa Sitio Maserpat, Brgy. Sta Ines East, Nambalan Elementary School Covered Court, Sapang Dalag Bridge sa Purok 3, Brgy. Pugo Cecilio at ang Newly Constructed Barangay Hall ng Brgy. Cabugbugan.

Kahapon din po ay binisita at ininspeksiyon din ang on-going construction ng Barangay Hall ng Brgy. Poblacion East, on-going concreting ng Pansiguan Road sa Brgy. Sta. Ines West, Newly Constructed Nambalan Elementary School Covered Court at ang newly concreted Calipayan-San Sotero Road.

Ang Bayan po ng Santa Ignacia ay taos pusong nagpapasalamat sa naguumapaw na pagmamahal at suporta ng ating Pamahalaang Panlalawigan na pinamumunuan ng ating Gobernadora, Hon. Susan Yap. Sama sama po tayo tungo sa pag unlad ng Santa Ignacia.

Arangkada Santa Ignacia!

Copyright © 2020. Municipality of Sta Ignacia Province of Tarlac. All rights reserved

Official Website of Municipality of Santa Ignacia Province of Tarlac