Pinulong ni Mayor Nora Modomo, kasama si Coun. Freddie Bagay, Market Supervisor Elisa Manzano at MHO Dr. Gene Jerard Bacnis, ang lahat ng vendors sa ating Public Market


Para sa kapakanan ng lahat, kahapon April 20,2021, pinulong ni Mayor Nora Modomo, kasama si Coun. Freddie Bagay, Market Supervisor Elisa Manzano at MHO Dr. Gene Jerard Bacnis, ang lahat ng vendors sa ating Public Market (4 batches). Sila ay sumailalim sa Antigen Test na sinagot ng ating Lokal na Pamahalaan. Sila rin po ay aming binigyan ng kanilang ID na kung saan nakasaad na sila ay nakakuha ng NEGATIVE RESULT sa isinagawang testing kahapon.
Kami po ay muling nagpapaalala sa lahat (vendors at market goers) na magsuot ng face mask at face shield tuwing pupunta sa ating pamilihan. Ang hakbang na ito ay upang masiguro ang kaligtasan nating lahat.

Copyright © 2020. Municipality of Sta Ignacia Province of Tarlac. All rights reserved

Official Website of Municipality of Santa Ignacia Province of Tarlac