RCEF Farm Mechanization Program ng DA PhilMech


Isa sa mga malaking hamon na kinakaharap ng ating bansa ngayong panahon ng pandemya ay ang pagkamit ng pambansang kasapatan sa pagkain.
Kaya naman, sa tulong ng RCEF Farm Mechanization Program ng DA PhilMech ay nakatanggap ang :
✅ SACATA Farmer’s Agriculture Cooperative ng Barangay Taguiporo
– 1 unit Yanmar Combine Harvester (for delivery)
– 1 unit Mini 4 Wheel Tractor Drive
✅ Namnama Agriculture Cooperative ng Barangay Padapada
– 1 unit YanMar Combine Harvester (for delivery)
✅ Sta.Ines Golden Grains PMPC
– 1 Mini 4 Wheel Tractor Drive
– 2 hand tractors
Layunin ng programang ito na mapataas ang ani at kita ng mga magsasaka at maipakilala ang modernong pamamaraan tungo sa mas mabilis, epektibo at maginhawang pagsasaka.
Inaasahang sa pamamahagi ng mga nasabing farm equipment ay mas mapapaunlad ang pagsasaka dito sa ating bayan ng Santa Ignacia dahil sa mga sumusunod.
Salamat po Provincial Government of Tarlac sa pangunguna ni Governor Susan Yap, OPA Da-opa San Isidro Tarlac sa pamumuno ni Provincial Agriculturist Alicia Cruz at ng ating Lokal na Pamahalaang bayan ng Santa Ignacia sa pangunguna ng ating butihing Mayora Nora T. Modomo, kasama ang ating Vice Mayor Nathaniel “Bong “Tan, Municipal Councilor Henry Ibarra(Committee on Agriculture) at ang buong Sangguniang Bayan, katuwang ang Municipal Agriculture Office ay kasama nyo sa adhikain na patuloy na pag-unlad ng ating mga mahal na magsasaka.

Copyright © 2020. Municipality of Sta Ignacia Province of Tarlac. All rights reserved

Official Website of Municipality of Santa Ignacia Province of Tarlac