Sa Farmer Field School ng RiceBIS, may matututunang bago


99 miyembro ng Santa Ines Centro Farmers Association ang nagtapos ng Farmer Field School ng Rice
Business Innovation Systems (RiceBIS)
program ng DA-Philice katuwang ang DA SANTA IGNACIA at Tarlac Agricultural University College of Agriculture and Forestry . Dumalo sa pagtitipon ang ating Municipal Mayor Nora Modomo kasama ang ating Vice Mayor Nathaniel Bong Tan at Sangguniang Bayan Members.
Nagsilbing guest speaker si Dr. Joseph Paul Abad ng TAU College of Agriculture and Forestry. Nagbigay din ng mensahe ang napakasipag na Brgy. Captain Jhonie Bulatao.
Sa Ricebis Farmers Field School ay sinanay ang mga magsasakang kasali sa programa na maging agriprenuers.
Tinutulungan ng RiceBIS na ma organisa ang mga magsasaka para mas mabilis ang pagpaparating ng mga pangangailangan mula sa produksyon, pagproseso ng palay, hanggang sa pagpapalaganap produkto sa publiko at pribado.

Copyright © 2020. Municipality of Sta Ignacia Province of Tarlac. All rights reserved

Official Website of Municipality of Santa Ignacia Province of Tarlac